Paghihintay

Bakit nga ba lagi tayong nagmamadali?

Sabi nila, sandali lang tayo mabubuhay sa mundo. Kaya naman “Dali! Dali! Gawin mo ‘yan! Gawin mo ‘to!”

Pero bakit nga ba nagmamadali tayo sa bawat sandali? Bakit mistulang gusto nating madaliin ang sandali nating buhay?

Kanina lamang, nakapila ako para sumakay sa bus. Nakaayos naman na ang lahat — nakalista na ang aming mga pangalan sa talaan ng mga pasahero at ang kailangan na lang gawin ay pumanhik sa bus, hanapin ang mga upuang nakalaan para samin at maghanda para sa mahaba naming biyahe.

Pero ang mga tao ay balot ng takot. Takot na baka ang talaan ay peke lamang at hindi sila makakasakay. Takot na baka maiwan sila sa buhay. Na ‘di sila makasabay sa bus na nais nilang sakyan. Takot na baka masira ang mga plano. Takot dahil baka ang nararanasang sandali ay panandalian lamang.

Kaya naman “Dali! Dali! Pasakayin mo na kami!” Hindi dahil mahalagang makasakay sa bus ngunit dahil takot akong maiwan, mahirapan; padaliin sana ang aming buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s